Mail Order Bride Regulations

Ayon sa bagong batas ng Imigrasyon ng Estados Unidos sa taon 1996 (Section 652), anuman samahan internasyonal na nagpapareha ay kailangan ibigay sa iyo ang mga sumusunod na impormasyon:
1. Anuman samahan na nagpapareha na gumagamit ng koreo ay hindi nasasakop ng batas ng Estados Unidos (E.U.).
2. Bisa para sa Nobya (Fiancee visas, K-1) ay ibinibigay sa nakatakdang pakakasalan ng mamamayan ng E.U. Ang Bisa (K-1) ay ibinibigay sa nobya kung ang magkapareha (magnogyo) ay nasa edad alinsunod sa batas para magpakasl. Ang Bisa ay may bisa lamang hangang siyamnapung araw at hindi na puedeng kumuha ng panibago. Ang magkapareha ay kailangang magpakasal sa loob ng siyamnapung araw (90) na paninirahan sa E.U., kung hindi ang nobya ay kailangang umalis sa E.U. sa siyamnapung araw na panahon. Kapag hindi nakabalik, ang mapkapareha ay maaring hindi na puedeng magharap ng Nobya Bisa (Fiancee Visas, K-1) sa hinaharap.
3. Balatkayong Kasal o Kunwaring Kasal - Ang Imigrasyon ng E.U. ay may mabigat na parusa sa kasunduang kasal para makaiwas sa mga batas ng Imigrasyon. Kapag napatunayan ang kasal ay kasunduan ang parusa ay pagkabilango ng hangang limang taon sa preso at multa na hangang $250,000 (dolyar). Bukod dito ang “beneficiary” (ang nobya) ay palagiang hindi namaayos ang kanyang estado (status) sa permanenteng legal na manirahan sa E.U.
4. Pagkatapos ng kasal ang “beneficiary” ay pagkakalooban ng LPR (green card) na may kundisyon, para sa dalawang taon panahon. Pagkatapos ng dalawang taong kasal, ang magasawa ay puede ng magpetisyon para maalis ang kundisyon na paninirahan sa E.U. at palitan ng permanenteng “green card” para sa “beneficiary”. Kung sa panahon ng dalawang taon kasal ang magkapareha o mag-asawa ay naghiwalay o nagdiborsiyo (divorce), hindi ito nangangahulugan na ang “beneficiary” ay hindi na karapat dapat na mabigyan ng permanenteng “green card”. Kapag hindi nagharap ng aplikasyon para matangal ang kondisyon ng paninirahan sa E.U., ang “beneficiary” ay maaring pauwiin (to be deported) sa bansang pinangalingan resultang naaayon sa batas.
5. Paubaya (Waivers) - Ang banyagang asawa na inaabuso ng asawa na mamamayan ng E.U. ay hindi nangangahulugan na manatiling magsama. Kung ito ang iyong kalagayan mayroon kang katangiang paubaya na hindi obligahin ng magasawang petisyon para matangal ang “kondisyon” na manirahan ng permanente sa E.U. Kapag nangyari ito, makabubuting humanap ka ng marangal na abugado.
6. Kawalang Halaga (Excludability) - Ang Bisa na bibibigay ay hindi nangangahulugan na makakapasok ka sa E.U. Ang mga opisyal ng Imigrasyon ng E.U. ay nasa Daungan ng Pasukan (Port of Entry) ay tatanungin ka uli kung bakit ka papapasukin. Kung ikaw ay kriminal, terorista o kaparehong kriminal na gawain o kilusan, o kaya ay magiging pabigat lamang ay baka hindi ka tangapin o papasukin. At kapag napatunayan ng opisyal ang ganitong mga bagay tungkol sa iyo, ang iyong Bisa ay mawawalang halaga at wala ka nang katangiang makapasok sa E.U. sa panahon ng limang taon.
7. Bakuna (Vaccinations) - Kailangan ang kasulatan na ikaw ay may bakuna para sa permanenteng paninirahan. Ito ay bagong obligahin ng Imigrasyon.
8. Paunang Parol (Advance Parole) - Kapag nakapasok kana sa E.U. huwag kang aalis o bibisita kahit na maigsing panahon sa Mexico o Canada na walang kahilingan ng paunanang parol. Kapag hindi mo ginawa ito, baka hindi ka na tanggapin uli na makapasok sa E.U. at anumang imigrasyon na iyong hinaharap ay mawawalan ng halaga.